Wednesday, March 11, 2009

Tamaritis!

Eto na ata ang isa sa pinaka nakakatamad na araw para sakin. Inatake kasi ako ng sakit na TAMARITIS! In other words, KATAMARAN! haha! Pagka-gising ko pa lang kaninang umaga eh sobrang tinatamad na akong kumilos! Pati nga pagbangon ko sa kama kinatamaran ko rin. Paglabas ko ng kuwarto ko nakita ko ang aking butihing ina na nagkakape, nauna na siyang kumain ng almusal kasi tanghali na ko nagising (gawain ng isang tamad talaga di ba?) haha! Ayun, nagsuklay ako, nagtoothbrush at naghilamos at pagkatapos ay naupo na ako sa aming hapag-kainan at nagalmusal. Sinangag at tocino ang almusal ko, sarap di ba?! Sabayan mo pa ng kape, panalo!

Habang kumakain ako ay nanunuod ako ng Umagang kay Ganda, iba't ibang klase ang balita. Pero karamihan sa mga narinig kong balita eh tungkol sa mga aksidente sa motorsiklo! Talaga naman, wala kasi silang kadala-dala. Ang pinaka mainit ding balita eh tungkol sa pagpanaw ng Master Rapper na si Francis M. Nakakalungkot, nakakagulat at nakakapanghinayang. Pagkatapos kong kumain ay pinatay ko na rin ang aming t.v., binuksan ko naman ang radio at nakinig sa paborito kong radio station (RX 93.1 at Wave 89.1). Tamang-tama naman at mga lumang kanta ang pina-patugtog nila, kasi tuwing Wednesday ay oldies ang mga sounds nila, eh mahilig ako sa oldies! Siyempre emote naman ako habang nakikinig at tulalang nakatambay sa aming veranda. Tamad na tamad talaga akong kumilos, hindi nga ako nakapag stretching man lang!

Tanghali. Tanghalian na. Ang ulam ko, nilagang baka! Masarap, ang kaso mainit na nga eh mainit na sabaw pa ang kinakain ko. Nakatutok sa akin ang electric fan kasi tagaktak ang pawis ko habang humihigop ng mainit na sabaw sa mainit na panahon! Tamang- tama di ba??! Kanya-kanyang trip lang yan! Haha! Habang kumakain ako ay nakikisagot din ako sa mga tanong sa Game Ka Na Ba? ni Edu Manzano. Masaya at nakakaaliw ang game show na yun. Natapos na kong kumain kasabay ng pagtatapos ng show ni Edu. Wowowee na! Nanood ako sandali kaso masyadong maingay ang hosts ng Wowowee, lahat sila sumisigaw eh ayaw ko pa naman ng maingay kaya naman inilipat ko nalang sa Eat Bulaga. Replay naman ang Eat Bulaga dahil yung tribute nila for Francis M. nung Saturday ang ipinalabas nila kanina. Tinamad na ko manood, kaya pinatay ko ulit ang t.v. at nakinig muli ng radio. Binuksan ko na rin ang aking computer at nagcheck ng email. Wow! 6 messages, ang dami di ba?! haha! Tinignan ko kung meron ba akong messages sa facebook at multiply ko ang kaso wala! Ang lungkot! Hehe..

Gabi na, at wala man lang akong nagawang matino sa buong maghapon ko. Tamad lang talaga. At ang lakas pa ng loob kong i-blog ang katamaran ko. Bakit ba?! Kebs mo ba?! hahaha...

-Christina-

No comments: